Luweeh`s Healthy Cooking Headline Animator

Friday, February 15, 2013

Masaya ka ba sa Valentines Day ?

Kahapon kakatapos lang araw ng mga puso.wari ko ba normal lang sa akin ang mga ganyang okasyon...wala lang halos sa bahay lang naman ako nagbuburo,siguro kayo may mga gimik laboy ,party o date?

Noong ako dalaga pa syempre nararanasan ko yang mga gimik o date barkada man o kasintahan,ngayon may asawa na ko...mapalad na lang kung kayong mag asawa is sweet pa ren until now,ako di ko naman dapat ikwento ,pero di na kami sweet ,ang korny nga eh,dahil bukod kami ng room,ibig kong sabihin para na lang kaming magkaibigan.ganun yata dito sa Japan..Kapag tumatagal nag kakalamigan na..Ang totoo naman okay lang sa akin dahil ayoko ren ng may katabi,ewan korny sila o i mean boring..no offense sa mga hapon,siguro di naman lahat..pero usually yan ang naririnig ko sa lahat halos ng Pilipina dito sa Japan..anyway..

Ang Valentines dito sa Japan ay puro Pula ,Puso at puros chocolates ang makikita mo sa loob ng mall o mga shop,..kaloka sa tamis ,di ba masirang ngipin nila dyan!!...At yan ay lahat ay for the boys only...VALENTINES Day sa Japan ay para sa mga Boys po...alam nyo ba yon??? my gulay..
kalurkey na occasion nyan oo...

Kahit sino pwedeng bigyan kahit asawa mo.,anak mo,kaibigan,katrabaho basta lalaki...ako???
wala akong binigyan,di kase ko naniniwala dyan sa ganyang kaugalian ,sabagay not the gift na lang,not the tradition but the feelings siguro..para paramdam mong my care ka or concern or may love or papansin lang ha ha ha..whatever...Araw man nyan ng puso,wala na kong paki,basta ang puso ko ay dapat lang na maging healthy at di ma hurt ,you know di ba..

Anyway,belated Happy Valentines day sa mga singgle o mga mga loveless dyan...At sa mga inlove na ren..he he he..

happy valentines day

mga Valentines chocolate gifts sa mall sa Japan 

busy ang mga babae sa pagpili ng gift sa valentines Day /Tokyo

....

Monday, February 11, 2013

Ang Snow sa Tokyo

   Ang totoo mga kabayan..Bihira nyong makikita ang snow sa parte ng Tokyo ,halos isang beses lang isang taon ito bumagsak ,maswerte na kung 2 o 3 beses itong maguulan ng snow...usually ito ay nangyayare kapag buwan ng enero,Febrero at Marso...This year 2013 ay naka 2 na ang snow sa Tokyo ,last January 14,napakalakas at makapal...subalit hindi naman kasing kapal ng nasa bundok dito,tulad ng sa Hokaido..doon ay hindi pwedeng hindi nag iisnow ..iyun ay lugar talaga ng Snow,kaya isa ito sa pinakamalamig na parte ng Japan ang Hokaido...brrrrr..

  Personally speaking,i don't like snow,noong una syempre excited at tuwang tuwang...Ngayon ang masasabi ko ,madumi sa kalye at napakalamig ,Nagpuputik kase ang kalye kapag natutunaw ang snow..bukod doon ,madulas ang kalsada ..maglakad ka man o nakabisikleta..at delikado sa mga sasakyan......Sa isang katulad ko na mahina sa lamig,Hindi ka makalabas dahil sa manginginig ka nga sa lamig at kailangang makapal ang iyong suot mula paa hanggang ulo...eh hindi ko pa naman hilig ang balot na balot na para kang suman...kung pipili ng klima mas gusto ko ang summer talaga..

  Matawa man kayo o hindi sa halos twenty years ko dito bibihira nyo akong makikitaan ng pictures sa snow,nagtataka nga ang pamilya ko sa amin ..bakit wala daw akong pictures sa mga snow...ang totoo, gusto ko,dahil nga sa sa sobrang lamig ,nakakatamad ang lumabas...minsan namang mapalabas ako ....na gusto kong magpapicture ay ,may kamalasan den,kunde wala akong dalang camera,low bat ang camera ko ...ha ha ha kaloka no?

  Ang snow po sa mga hindi pa nakakakita ay hawig at katulad po ng yelo sa loob ng freezer..yun nga lang kokonte at nasa loob ng fridge pa..di mo manamnam ang feelings ng paligid ng puting puting yelo....di tulad ng snow ,ang gandang tingnan ito habang ,bumabagsak o umuulan ito,tambak at nagkalat sa kalye,na sya namang kinatutuwa ng mga bata o mga taong sabik makakita ng snow..andyang may nag pagulong gulong sa snow,batuhan,gumawa ng snow man at ano pang pwedeng ilaro sa snow...like skiing ...ako malabo mahilig diyan .dahil alam kong malapit sa sakuna at isa pa,ayaw ko talaga ng malamig at magbalot ng napakaraming suot...magburo na lang ako sa kwarto at uminom ng green tea...

yan ang nakuhan ko ng snow sa lugar namin..lowbat ng camera ko dyan..january 14,2013

Tokyo snow 2013 of January
   Ngayon ay February na,malamig pa ren at napakalamig lalo na sa umaga..Hindi ko ren alam kung mag iisnow pa sa Tokyo this year..pero hanggang March ay winter pa dito sa Japan..At kung sakaling magsnow ulit..Sana naman makaranas na kong Magpapicture kahit hindi ko type..

  Makagawa man lang ng souvenir ,baka hindi na ko makakita ng snow,dahil may plano na kong umuwe ng Pilipinas...

   Ngayon ay alas 6 ng umaga na,maaga akong nagising..at sobra pong lamig sa kwarto ko...kaya binuksan ko ang heater ..tulog pa ren ang aking mga kasama..at hindi na ko makakatulog nito at eto,nagcomputer na lang...
  Okay !! Mga kabayan babush na ,at makapag mainit at iinom ako ng hot green tea muna...




Sunday, February 10, 2013

Ano ang Valentines Sa Japan?

Yes,yan po ang tanong ko well,personally di po ko naniniwala sa mga mga ocassion o holidays ..subalit nakapaligid ako sa mga ganyang buhay..kaugalian at tradisyon so di ko maiwasan makiurirat o makitingin dahil makikita mo ito saan ka man pumunta kapag araw ng mga ganitong kaugalian..lalo ng Valentines Day..

Japan'sValentines day For boys only??hmm

Opo nagkalat sa Japan ang makukukulay na pula,karatula at mga paninda bago pa man mag Feb.14..Mga gift na nagkalat sa mall..mapupula t punong puno ng puso ang mga pamilihan ..

Sa atin kapag sinabing araw ng mga puso ,Ang ibig sabihin ay Love o Pag-ibig..Pag mamahalan at bigayan ng regalo sa kanilang mga minamahal...so means marami ang may mga date sa araw na ito..araw kase ng puso ,so ito ay espesyal para sa mga inlove o mag asawa na sweet pa ren until now..

Or mga may crushes o may mga idol kayo o secret na crushes...Maiba ko ang pagkakaaalam ko sa araw ng mga puso..ang babae ang dapat tumanggap ng gift sa guy kapag Valentines day...Ngayun ba ang ganoon p ba ren ang kaugalian? o dapat lang na both may gift sa isat isa,well,well,....Ano nga ba?....

Alam nyo ba dito sa Japan ,Kakaiba ang kinaugalian nila sa larangan ng Valentines day...dito ay ang mga lalaki lang ang may karapatang tumanggap ng gift o regalo hmmm...Ang nakakaloka dito ay bakit ang guys lang..at take note..usually ang gift is puro chocolates ,anything basta chocolate,..homemade pa o binili pa sa mall..
  Yung mga teenager na babae .ay tuliro at abala sa pamimili ng chocolates para sa crush o bf nila...at yung iba namang girls na kabataan ..mas type nila ang gumawa ng original chocolates para ibigay sa crushes nila...kaloka no

So kapag araw ng Valentines Day sa Japan....Ang boys na nakatanggap ng maraming gift or chocolates sa araw ng mga puso ay isang karangalan  o pag taas ng noo means...maappeal sya dahil sikat sya dahil na nga, maraming may gusto sa kanya sya ...so kapag ang boys maraming mat gusto  sa kanya...marami syang chocolates gifts...he he he ..bongga no??...sana di naman masira an g ipin dahil sa tamis ng cohocolates..

Anyway ,may isa pang tinatwag silang GIRI CHOCO dito sa Japan...yung bibigyan mo ng chocolate yung boys ,dahil ka work mo..friend mo.or kahit sino na gusto mong bigyang ng chocolates y okay lang ...kase kawawa naman at kaugalian na ang boys ay dapat mabigyan ng chocolates.....ano ba mahihita ko jan ha ha ha...syempre para sa mga hapon...tradisyon is tradisyon...kulit ko kase ehh..but di porket binigyan eh. sabihin ay crush na, kaya binigyan..parang konswelo lang ba..na medyo minsan joke gift lang...alam naman ng guys kung yung gift ay giri choco or type talaga syang bigyan ng Valentines choco..makikita mo iyon sa balot o pag ka wrapped at value ng gift..

Hay kaloka ..mantalang noong ako dalaga...ako ang nakakareceive ng gift pag Valentines ..dito sa Japan baligtad...Dahil di nga ko naniniwala sa ganyang kaugalian..wala po akong binibigyan kahit may asawa ako o anak na lalaki...Wala po yan sa kaugalian...mas importante ke Valentines o hindi...Dapat araw araw ay araw ng mga puso...

You can express your true Love anytime..kahit pa walang gift o chocolates...just say "I love you"
sa taong mahal mo ay okay na ....isang bulaklak nga lang ako masaya na ako...


So anyway..see you next time na lang...Babush mga kabayan.....+.+