Luweeh`s Healthy Cooking Headline Animator

Wednesday, December 18, 2013

Funny Labanos

Bastos lang sa aking tingin subalit ito ay sobrang hinhin,ha ha ha'

Gusto ko lang ipakita sa inyo ang isang labanos na may kakaibang hugis , medyo ito ay mahalay sa paningin pero ito ay cute sa aking tingin..kalokohan na ang taong di matawa dito.

Mukha siyang bading kase mahinhin yung pose nya eh,say nyo!

Dahil nga siya ay cute at bastos na labanos, napilitan akong bilhin ang bastos na labanos na ito.
tingnan nyo nga..

Funny Video ...


i deleted this video from my you tube channel ..i would like to post here 
hope i made your day...





funny vegetable


don't laugh , but i know you are laughing.. it's nature creation so it's not me to blame hahah


Monday, August 12, 2013

Prutas ng PIlipinas namimis mo ba?

August,2013..Araw na di naman tag init pero mainit,Alam nyo naman sa Pilipinas,Sala sa init at sala sa lagkit ang klima,Ngayon halos araw araw umuulan pero di naman tag ulan...Huwag lang masabing di magdilig ng kalikasan ,Kung iisipin mo mas mabuti ang umuulan kaysa napakainit tapos walang ulan,Kaso kapag bagyo nakakatakot naman ..."Buhay Pinas talaga".

Anyway,Sa panahon ngayon anong prutas ba ang makikita mo sa mga shop o palengke ?
Okay ipapakita ko ang mga prutas na aking nasulyapan sa araw araw ng aking pag iikot o pag lalakbay sa araw ng ako ay walang ginagawa...





















Ano ang namissed nyo???

Friday, July 5, 2013

Duhat ,Fruits in the Philippines or Black Plum

Sino ang hindi nakakakilala ng duhat? Maaring hindi nyo na ito makikita ngayon sa mga palengke o sa tindahan ng prutas.Madalang na ito at mahirap mabili,Marami ng prutas sa Pilipinas ang halos hindi mo na makikita ngayon sa mga pamilihan, tulad ng kamatsile,kasoy,makopa,kaynito,balimbing,mansanitas,at ano pa ba ang di nyo na halos makita sa Pilipinas na prutas.??





Isang araw naligaw ako sa palengke na malapit sa amin ,for almost ten years,ngayon na lang ulit ako nakakakita ng duhat.Yes DUHAT PO..yung yung itim na parang ubas at violet sa loob kapag ito ay dinurog mo..may isang malaking buto sa gitna na puti ang laman pero ube ang mga paligid ,dahil ang balat ng duhat ay maitim,kapag dinurog mo ang balat ng duhat nagiging ube sya..





Ang lasa ng duhat ,alam naten ito ay mapakla,nilaglagyan ito ng asin para medyo mabawasan ang pakla,mahirap itong kainin ng sabay sabay dahil ito ay mahirap lunukin..
may nagsasabi na ito ay nakaka hina ng vowel digestion..pero sa aking pansin hindi naman po..siguro depende iyan sa inyong panunaw or sa inyong daily style ng pagkain..

Ang duhat ay nakamamantsa,maganda siyang food color or pangkulay sa mga tela ..May alam ba kayong lutuin sa duhat bukod sa ito ay kainin ng may asin???

Video ng Duhat ng ako ay bumili sa palengke after more than ten years..



Babushh....
eating duhat..Philipines Fruits

Monday, April 22, 2013

Giant Halo Halo sa Pilipinas

Happy Huge Size Halo Halo
Sabik ka na bang umuwe ng Pilipinas?..Lalo na nga at summer na,masarap magbabad sa mga dagat o pool...At syempre di mawawala ang mga malalamig na pagkaing Filipino...Katulad ng ice candy,ice buko,sago at gulaman..Saging con yelo..At ang pinaka bonggang malamig na bagay na bagay kainin  sa araw ng tag init ay itong halo halo..

Maari itong gawen sa ating kusina kasama ng ating pamilya,subalit kung minsan mas masarap ang namamasyal sa mga restaurant para maiba ng kaunte ang ambiance,katulad ng sa Max restaurant..dito ko nakita ang nakakatuwang laki ng Halo halo..Size pampamilya..

Nagkakagulo at nakakatuwang tingnan habang nag aagawan sa pag kuha ng halo halo...

my pamangkin humihigop ng halo halo

charap ng halo halo




dagul my poging pamangkin..

busog na..+.+ talap talap..

Watch the giant halo halo video ...click the image below...

Sunday, March 3, 2013

Sabik ka bang Umuwe Sa Pilipinas?

Paalam muna Tokyo ,Japan...

Sa tinagal ko ren namang pagtira dito sa Japan,Umuuwe naman ako lage,pabalik balik para magbakasyon sa Pilipinas, Sa ngayon halos 2 years na ren di ako umuuwe..so ang plano ko uuwe muna ako at iiwan ang Japan,para mag relax at gamutin ang utak kong punong puno ng stress at mga nararamdamang lungkot ..

Siguro matatagalan ako sa atin,kumuha kase ako ng one year na ticket..so hindi ko alam until when ako sa Pilipinas,plano ko lang makita ang pamilya ko ,at makasama naman ng matagal...at isasama ko yung bunso kong babae,kawawa naman kase ang buhay ng mga bata dito halos kaunti na ang kaibigan,wala o mangilan pa ang kamaganak...halos di pa nagkikita,eh baka masiraan ng bait kami dito dahil wala kaming nakikitang tao,kung hindi kami lalabas ng bahay...Malamig den kaya nakakatamad lumabas,

Ang isa pang problema ,mailap ang anak ko sa tao,na pati ako nahawa na,nawala na yung hilig kong maging laboy at palabarkada o gumimik..medyo nagsawa na ren yata...Baka kung sa aten ako uuwe ,may mabago sa amin ng anak ko,2 ang anak ko ,isang babae at lalaki...yung lalaki ko may girl friend na,so bihira na itong umuwe ,nakikipaglive in na....di mo naman pwedeng awatin..pero pinapayuhan ko na lang kase mga bata pa...at hiniling ko ng una kong nakita yung gf ng anak ko,ay dalawin kami sa Pilipinas sa araw ng bakasyon nila sa work..okay naman yung girl ,so medyo nawala yung pagaalala ko..

Ngayon heto nasa harap ako ng computer,di makatulog ,tuliro,dahil malapit na nga ang uwe ko sa atin,sabik at maraming iniisip,plano at siguradong gastos ....masaya naman kahit ganun sa atin..importante walang sakit,kaaaway,may takot sa Diyos,walang giyera,walang kalamidad o ligtas sa lahat ng kapahamakan....yun lang ang lagi kong panalangin,kahit kokonte ang yaman,magsama ng masaya at may pagkakasundo,ang blesssing panginoon ay di nawawala..basta manalig ka lang at magtiwala syempre ayun sa iyong ginagawa na ayun sa kanyang salita..

So,ang Mr. ko at ang panganay ko iiwan ko muna sa Japan,my Computer at Cell phone naman para makontak..at lage nalang magdasal para di mag alala ..minsan ganun kase ako lalo na malamig dito,pala lindol,..naiisip ko ang trabaho ng asawa ko at anak ko..alam kong hindi madali par sa kanila,ang sabi ko nga sa anak ko..Kapag yumaman si mama kukunin kita at di ka na magtatrabaho sa Japan..

Sana naway matupad ang pngarap kong maklsama ko ang aking anak at asawa sa Pilipinas ,kasama ng aking mga kapatid at nanay ,wala na kase si tatay..so mga hipag at pamangkin ko ay namimis ko na...

hanggang dito na muna ang kwento ko...see you ulit sa susunod kong

mamimiss den kita Tokyo

paalam muna Japan

Friday, February 15, 2013

Masaya ka ba sa Valentines Day ?

Kahapon kakatapos lang araw ng mga puso.wari ko ba normal lang sa akin ang mga ganyang okasyon...wala lang halos sa bahay lang naman ako nagbuburo,siguro kayo may mga gimik laboy ,party o date?

Noong ako dalaga pa syempre nararanasan ko yang mga gimik o date barkada man o kasintahan,ngayon may asawa na ko...mapalad na lang kung kayong mag asawa is sweet pa ren until now,ako di ko naman dapat ikwento ,pero di na kami sweet ,ang korny nga eh,dahil bukod kami ng room,ibig kong sabihin para na lang kaming magkaibigan.ganun yata dito sa Japan..Kapag tumatagal nag kakalamigan na..Ang totoo naman okay lang sa akin dahil ayoko ren ng may katabi,ewan korny sila o i mean boring..no offense sa mga hapon,siguro di naman lahat..pero usually yan ang naririnig ko sa lahat halos ng Pilipina dito sa Japan..anyway..

Ang Valentines dito sa Japan ay puro Pula ,Puso at puros chocolates ang makikita mo sa loob ng mall o mga shop,..kaloka sa tamis ,di ba masirang ngipin nila dyan!!...At yan ay lahat ay for the boys only...VALENTINES Day sa Japan ay para sa mga Boys po...alam nyo ba yon??? my gulay..
kalurkey na occasion nyan oo...

Kahit sino pwedeng bigyan kahit asawa mo.,anak mo,kaibigan,katrabaho basta lalaki...ako???
wala akong binigyan,di kase ko naniniwala dyan sa ganyang kaugalian ,sabagay not the gift na lang,not the tradition but the feelings siguro..para paramdam mong my care ka or concern or may love or papansin lang ha ha ha..whatever...Araw man nyan ng puso,wala na kong paki,basta ang puso ko ay dapat lang na maging healthy at di ma hurt ,you know di ba..

Anyway,belated Happy Valentines day sa mga singgle o mga mga loveless dyan...At sa mga inlove na ren..he he he..

happy valentines day

mga Valentines chocolate gifts sa mall sa Japan 

busy ang mga babae sa pagpili ng gift sa valentines Day /Tokyo

....

Monday, February 11, 2013

Ang Snow sa Tokyo

   Ang totoo mga kabayan..Bihira nyong makikita ang snow sa parte ng Tokyo ,halos isang beses lang isang taon ito bumagsak ,maswerte na kung 2 o 3 beses itong maguulan ng snow...usually ito ay nangyayare kapag buwan ng enero,Febrero at Marso...This year 2013 ay naka 2 na ang snow sa Tokyo ,last January 14,napakalakas at makapal...subalit hindi naman kasing kapal ng nasa bundok dito,tulad ng sa Hokaido..doon ay hindi pwedeng hindi nag iisnow ..iyun ay lugar talaga ng Snow,kaya isa ito sa pinakamalamig na parte ng Japan ang Hokaido...brrrrr..

  Personally speaking,i don't like snow,noong una syempre excited at tuwang tuwang...Ngayon ang masasabi ko ,madumi sa kalye at napakalamig ,Nagpuputik kase ang kalye kapag natutunaw ang snow..bukod doon ,madulas ang kalsada ..maglakad ka man o nakabisikleta..at delikado sa mga sasakyan......Sa isang katulad ko na mahina sa lamig,Hindi ka makalabas dahil sa manginginig ka nga sa lamig at kailangang makapal ang iyong suot mula paa hanggang ulo...eh hindi ko pa naman hilig ang balot na balot na para kang suman...kung pipili ng klima mas gusto ko ang summer talaga..

  Matawa man kayo o hindi sa halos twenty years ko dito bibihira nyo akong makikitaan ng pictures sa snow,nagtataka nga ang pamilya ko sa amin ..bakit wala daw akong pictures sa mga snow...ang totoo, gusto ko,dahil nga sa sa sobrang lamig ,nakakatamad ang lumabas...minsan namang mapalabas ako ....na gusto kong magpapicture ay ,may kamalasan den,kunde wala akong dalang camera,low bat ang camera ko ...ha ha ha kaloka no?

  Ang snow po sa mga hindi pa nakakakita ay hawig at katulad po ng yelo sa loob ng freezer..yun nga lang kokonte at nasa loob ng fridge pa..di mo manamnam ang feelings ng paligid ng puting puting yelo....di tulad ng snow ,ang gandang tingnan ito habang ,bumabagsak o umuulan ito,tambak at nagkalat sa kalye,na sya namang kinatutuwa ng mga bata o mga taong sabik makakita ng snow..andyang may nag pagulong gulong sa snow,batuhan,gumawa ng snow man at ano pang pwedeng ilaro sa snow...like skiing ...ako malabo mahilig diyan .dahil alam kong malapit sa sakuna at isa pa,ayaw ko talaga ng malamig at magbalot ng napakaraming suot...magburo na lang ako sa kwarto at uminom ng green tea...

yan ang nakuhan ko ng snow sa lugar namin..lowbat ng camera ko dyan..january 14,2013

Tokyo snow 2013 of January
   Ngayon ay February na,malamig pa ren at napakalamig lalo na sa umaga..Hindi ko ren alam kung mag iisnow pa sa Tokyo this year..pero hanggang March ay winter pa dito sa Japan..At kung sakaling magsnow ulit..Sana naman makaranas na kong Magpapicture kahit hindi ko type..

  Makagawa man lang ng souvenir ,baka hindi na ko makakita ng snow,dahil may plano na kong umuwe ng Pilipinas...

   Ngayon ay alas 6 ng umaga na,maaga akong nagising..at sobra pong lamig sa kwarto ko...kaya binuksan ko ang heater ..tulog pa ren ang aking mga kasama..at hindi na ko makakatulog nito at eto,nagcomputer na lang...
  Okay !! Mga kabayan babush na ,at makapag mainit at iinom ako ng hot green tea muna...




Sunday, February 10, 2013

Ano ang Valentines Sa Japan?

Yes,yan po ang tanong ko well,personally di po ko naniniwala sa mga mga ocassion o holidays ..subalit nakapaligid ako sa mga ganyang buhay..kaugalian at tradisyon so di ko maiwasan makiurirat o makitingin dahil makikita mo ito saan ka man pumunta kapag araw ng mga ganitong kaugalian..lalo ng Valentines Day..

Japan'sValentines day For boys only??hmm

Opo nagkalat sa Japan ang makukukulay na pula,karatula at mga paninda bago pa man mag Feb.14..Mga gift na nagkalat sa mall..mapupula t punong puno ng puso ang mga pamilihan ..

Sa atin kapag sinabing araw ng mga puso ,Ang ibig sabihin ay Love o Pag-ibig..Pag mamahalan at bigayan ng regalo sa kanilang mga minamahal...so means marami ang may mga date sa araw na ito..araw kase ng puso ,so ito ay espesyal para sa mga inlove o mag asawa na sweet pa ren until now..

Or mga may crushes o may mga idol kayo o secret na crushes...Maiba ko ang pagkakaaalam ko sa araw ng mga puso..ang babae ang dapat tumanggap ng gift sa guy kapag Valentines day...Ngayun ba ang ganoon p ba ren ang kaugalian? o dapat lang na both may gift sa isat isa,well,well,....Ano nga ba?....

Alam nyo ba dito sa Japan ,Kakaiba ang kinaugalian nila sa larangan ng Valentines day...dito ay ang mga lalaki lang ang may karapatang tumanggap ng gift o regalo hmmm...Ang nakakaloka dito ay bakit ang guys lang..at take note..usually ang gift is puro chocolates ,anything basta chocolate,..homemade pa o binili pa sa mall..
  Yung mga teenager na babae .ay tuliro at abala sa pamimili ng chocolates para sa crush o bf nila...at yung iba namang girls na kabataan ..mas type nila ang gumawa ng original chocolates para ibigay sa crushes nila...kaloka no

So kapag araw ng Valentines Day sa Japan....Ang boys na nakatanggap ng maraming gift or chocolates sa araw ng mga puso ay isang karangalan  o pag taas ng noo means...maappeal sya dahil sikat sya dahil na nga, maraming may gusto sa kanya sya ...so kapag ang boys maraming mat gusto  sa kanya...marami syang chocolates gifts...he he he ..bongga no??...sana di naman masira an g ipin dahil sa tamis ng cohocolates..

Anyway ,may isa pang tinatwag silang GIRI CHOCO dito sa Japan...yung bibigyan mo ng chocolate yung boys ,dahil ka work mo..friend mo.or kahit sino na gusto mong bigyang ng chocolates y okay lang ...kase kawawa naman at kaugalian na ang boys ay dapat mabigyan ng chocolates.....ano ba mahihita ko jan ha ha ha...syempre para sa mga hapon...tradisyon is tradisyon...kulit ko kase ehh..but di porket binigyan eh. sabihin ay crush na, kaya binigyan..parang konswelo lang ba..na medyo minsan joke gift lang...alam naman ng guys kung yung gift ay giri choco or type talaga syang bigyan ng Valentines choco..makikita mo iyon sa balot o pag ka wrapped at value ng gift..

Hay kaloka ..mantalang noong ako dalaga...ako ang nakakareceive ng gift pag Valentines ..dito sa Japan baligtad...Dahil di nga ko naniniwala sa ganyang kaugalian..wala po akong binibigyan kahit may asawa ako o anak na lalaki...Wala po yan sa kaugalian...mas importante ke Valentines o hindi...Dapat araw araw ay araw ng mga puso...

You can express your true Love anytime..kahit pa walang gift o chocolates...just say "I love you"
sa taong mahal mo ay okay na ....isang bulaklak nga lang ako masaya na ako...


So anyway..see you next time na lang...Babush mga kabayan.....+.+