Luweeh`s Healthy Cooking Headline Animator

Saturday, April 14, 2012

Kwentong Japanese

sa may kameari station to..

mahilig sila magshopping 

Mga Hapon....Hmmmm...Akala ko noong una,nakakatakot sila..yung tipong sadista at sasaktan ka....
At alam naten na marami ditong Yakuza..echhooss... kahit saan naman lugar may gago at matino..may mababait at mga sadistang hapon den dito..pero,mas lamang ang duwag puna ko lang, yung iba.yabang na lang kase..not lahat ahh..marami den mabubuteng hapon..boring lang siguro ko sa kanila or sawa na ko dto .

Masasabi ko tahimik ang Japan..walang pakialaaman,kapitbahay mo kahit sampung taon mo na nakikita yuko lang ang batian..kaloka..hmmp minsan di na ko bumabati umiiwas na lang,kakasawa parang plastikan pero manner nila yon lalo na same building o compound kayo ng tinitirirhan..

Malinis naman ang paligid,masinop sa pagtapon ng basura...pero sempre may mga gago pa ren sa mundo na di mawawalan ng di sumusunod sa batas...may kalat den naman sa japan...my pulubi ren ,mga homeless..pero they don`t beg..ewan mga depress o frustrated sa buhay..parang i heard mga naglayas sa pamilya..at naghihiga sa kalye kahit malamig..mukhang taong grasa..marami den dito no..

Mga hapon sa aking observation...parang matapang sa salita pero duwag,may chismosa ren kaso di naman kagrabe sa aten...mataas pride ng hapon,lalo na yung mga ugali talaga...ay naku..ilan bes naku napaaway..basta..

Pero maganda lang sa Japan kahit gabihin o madaling araw ka ng umuwe di delikado..nakabisikleta at laseng pa okay lang...wala ngang pakialaman kase..may gulo man depende na yun sa situtation..halos mga siga o laseng na tao ang nagwawala...

Mga haponesa dito kung magdamit halos hubo na ..hahahh..i mean maiiksi mg palda kita na panloob...school uniform susme paiksian ng palda ..ano ba dito...mga kadalagahan dito malalande sa tingin ko,kapal magmake up..pumorma maluluho..pero totoong marami ang magaganda at makikinis naman talaga...at sa mga boys ganun den maraming gwapo at matatangkad...high tech na raw kase..pati food western na..

Isa lang pintas ko dito....parang di warm ang tao...isa sa pinaka maraming stress na tao ang  bansang japan.marami dito depress at suicide rate ay mataas...marami dito di nagsasalita ng problema kase...ewan ko ba sa kanila.....mga di showy...kulang sa lambeng ...ay.naku..whatever ako gusto ko ng umuwe sa bansa ko....hehhehh..iba ren yung pamilya mo at bansang kinagisnan mo ...dito maliit at konte lang ang pamilya..dedmahan pa...basta..


jane antok na ko ...