Luweeh`s Healthy Cooking Headline Animator

Saturday, October 13, 2012

May Pagasa bang Pumuti ang Kili Kili

  Depende siguro, Like kung matiyaga ka ba, Gagastos ka ba, at depende sa type ng skin nyo..Dahil hindi lahat ay may pag asang pumuti ang kili kili..

 Alam kong marami ang naiinis kapag maitim o nangingitm ang under arm..hirap tuloy magsando o mag taas ng kamay..baka masilip ang itim ng inyong kili kili..
 
 Mga Dahilan ng pagiging maitim ang kili kili 
   1.Dahil sa maitim ka talaga,or pinanganak ka ng maitim..
    2.Maaring sobrang kakapahid ng cream or deodorant kaya lutong luto na ang skin ng armpit mo,puro strong ang mga chemicals na nasa deodorant..obserbahan nyo.
    3.Maaring kakabunot mo ng tyane na siyang nagbibigay sugat at peklat sa iyong under arm..
    4. Ang pagiging hindi malinis sa katawan ay nagiging sanhi ren ng pangingitim nito,mga libag na kumapit at tumigas dito..nagtututong ika nga..kulang sa hilod.
    5.Minsan ang buntis sabi nila ay nangingitim ang kili kili..di ko naman ito naranasan..iba iba siguro..singit pa siguro lol.
    6.Sobrang pagbibilad sa araw .
    7.Kulang sa alaga ,kailangan ng attention kahit kili kili..like pag mamasahe para kuminis at di bukol bukol..nakakatulong ito para di maging parang balat ng manok ,subukan nyo..
    8.Hindi maganda ang laging kinakamot ang kili kili,nagiging sanhi ito ng mga kaskas at nagsisimulang maging kalyo na siyang nagkukulay itim sa balat ng kili kili..
    9 At kung hindi ka healthy inside di ka ren healthy outside.dahil usually ang sobrang fats sa katawan o katabaan ng isang tao ay nagbibigay sanhi ren na umitim ang mga parte ng kulob na balat sa ating katawan..tulad ng singit at kili kili..
 10 .maaring may skin disease or infection sa balat ..like balakubak sa balat or mga pimples sa balat ,mga galis ,at ibat ibang klase ng sakit sa balat..

Importante sa ating skin..
   Hindi nyo ba alam kailangan den ng araw ang ating balat ,
Ibilad nyo sa araw ang kili kili nyo ,lalo na sa umaga para makahinga at kumuha ng Vitamin D.
    Ang inyong life style routine,sapat na tulog ay importante
Balance Diet is numero unong importante..uminom ng sapat na tubig at pag pawisan para lumabas ang maruruming toxin na nakatago sa skin..

At marami pa siguro na maaring maidagdag kung tungkol sa pangangalaga ng inyong kili kili..



    Before nagbubunot den ako noong high school pa ako,na nagtataka ako bakit umiitim ito at bukol bukol pa....Yung pagbubunot ng hair sa underarm minsan nagiging sanhi ren yan ng pagkaitim.
so hininto ko at inahit ko na lang ,
aba ei!..nagulat ako, bakit kuminis at pumuti ang armpit ko..
 sinabayan ko pa ng lemon at minamasahe ko pa siya...at wow!..ganda ng resulta..
 
   Iniwasan ko ren ang gumamit ng matatapang na deodorant at namili ako ng medyo di masusunog ang skin ng kili kili ko....marami kase jan strong at too much chemical ..At take note..dumalang yung hair at numipis ang balahibo ko sa kili kili..which i noticed parang bihira ng sumibol..shockkkks ako..
   But of course, iba yung malinis at walang amoy o pawisin....well,another story na iyan..

    I'm just sharing my own experienced ..
kaya lang need to do it regularly ...like may gumagamit ng tawas o kalamansi which is maganda ren..
Ang sauna or hot steam bath is very maganda ren po,kase nalilinis yung skin naten ,bumubukas ang mga pores ng skin kapag nasa sauna..which is good sa underarm natin..

   Dahil andito ko sa Japan,paligid ako ng Sauna or hot spring bath dito..alam kong marami na ren dyan sa atin..money involve na nga lang.....Well ,try kalamansi massage or Lemon..Vitamin C is good to our skin..nakakatulong itong maging clear ang kulay ng skin..
 
   Dahil high tech na nga..marami ng magagaling na nagiimbento ng kung ano anong pangpaganda,Marami ren akong naririnig o nakakausap about whitening cream para sa armpit..siguro epektibo ito sa kanila ,of course, kung regular nyo itong aalagaan ,
    Ang halay lang tingnan kung maitim kang tao tapos namumuti kili kili mo.hehehe 'pero it's not bad naman kung ganun ang gusto ng nila..importante malinis ka sa katawan ,kahit di ka kaputian mukha ka ng maputi at mabango sa paningin ng tao..

   At dahil nagkalat na ang mga beauty clinic, susme kahit walang kalamansi, kung regular kang pupunta dito para alagaan ito,sigurado naman sila ang bahala sa kili kili mo at ihanda mo lang ang budget mo..+.+

   I m just giving here a simple tips..Subalit may mga taong mahirap talagang pumuti , lalo na kung pinanganak ka ng maitim...wala namang imposible kung gustong kuminis o pumuti,basta may pera at may sariling ingat at tamang alaga para sa inyong armpit.

"Bago ang lahat,ang masasabi ko lang hindi naman sa kulay nakikita ang ganda ng isang tao ...kunde sa kalinisan ng inyong pangangatawan sa labas man o sa loob ng inyong katawan.."


Sa susunod na ulit....+.+


1 comment:

  1. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete