Luweeh`s Healthy Cooking Headline Animator

Tuesday, April 24, 2012

Gusto Mo Bang Tawagin Kang Sexy ??

Paano ba mag diet help help.com: Sino may gusto ang Sexy ?: Ayaw mo?? Gusto mo??  Oa, na nagsabi ng ayaw,di ayaw kung ayaw,...Siguro sa mga conservative ayaw nila ng salitang sexy ,o siksik type nyo ...

Nakakataba Ba Ang Chocolate?

What I`m Doing Here Tokyo?: Mahilig Ka Ba sa Chocolate?: What I`m Doing Here Tokyo?: Are You Obsessed Of Craving Chocolates? : Add caption Do you like chocolate? or maybe you love chocola...

Spaghetti no meat? no ham ??, but SARDINES..

Diet Spaghetti Sardines: Ito ay hindi isang ordinaryong pasta dahil sa mga sangkap nito , maganda sa katawan ito sapagkat ito ay low carb ,high in protein ..high in...

Saturday, April 21, 2012

How To Make Healthy Coffee

Paano ba mag diet help help.com: Diet Coffee?...Yes..But Roasted Rice Coffee: Healthy alternative to real Coffee Yup.,Hindi ito ang kapeng nakikita nyo sa bilihan,telebisyon o saan mang coffee shop.,ito po ay is...

Friday, April 20, 2012

Boring Ka ba?



Lahat ng tayo nagiging boring minsan 
Kapag ang isang tao maraming ginagawa ,ewan ko na lang kung naiisip pa o nararamadaman ang pagiging boring....Ako palage ko ito nararamdaman lalo na nga at ako ay palaging nagiisa sa kwarto ko..kung wala sigurong computer ay mas lalo na..

Ano ginagawa nyo pag naboboring na kayo?
Ako ang ginagawa ko kung hindi naman makatulog,nakikinig na lang ng sounds,sumasayaw o nag eexcercise mag isa...Kapag sawa na maliligo syempre..o kaya naman mag sasauna...Bihira den kase ko lumabas na o mamasyal.halos pinagsawan ko na ang kakalakwatsa dito...

Andyan naman kung sipagin maglinis ng bahay.kulikutin ang kusina,mag imbento ng lulutuin..o di kaya mag handmade craft ..mahilig ako sa art work..basta nasa mood yun nga lang..
Pag maganda naman ang  kondisyon ko ,medyo nag wine minsan.at.gagawa ng vegetable salad ...mga ganun ba...at kung sa kausap o makipag daldalan ay bihira...i mean imposible ,dahil wala naman akong masyadong kilala o kaibigan..meron man ..busy sila at halos umuwe na ren ng bansa at yung iba nasa America na..lungkot no? pero sanay na ko..


Payo ko lang kung naboboring kayo...
Kung ayaw nyo ng gastos pwede naman kayo mag ikot sa mall...pwede namn mag window shopping..kumain ng konte ,may mga mura ren naman diba..o kaya sa park tumambay kayo...magdala ng babasahin o kaya muni muni kayo..tingnan ang ulap simsimin ang simoy ng hangin tingnan ang mga ibon at mga halaman ...mga ganun ba..korni ba ?gardening okay sana kaso..nakakatamad den minsan..

Kung di nyo feel sa park..mag aya kayo ng best friends nyo o pamilya..lumabas...o makipag chikahan kahit mag tea lang kayo..eating nuts o kaya gumawa kayo ng meryenda tulad ng kamote ,banana,que..etc

Siguro.marami naman magagawa..maliban na lang gusto nyo mag emo talaga.....ang sagot dito  ay kayo na nakakaalam...mood mood na lang ba....my asawa o may bf o gf...busy den sila..kung single ka .kaya panigurado magcocomputer na nga lang tayo..kung may baby or kids kayo aba ey busy kayo..di uso dyan ang boring..kung walang computer at walang pang cafe net...itulog na lang naten pre ......tapos usapan....
computer computer if you feel bored

oh sige bahala na kayo kung paano nyo pinalilipas ang araw nyo pag nakakabagot na......

Inom tayo ng hot green tea...I am having it now...cheers sanyo..


jane......life is parang dagat may oras na tahimik ang alon may oras na malakas ang alon...

Wednesday, April 18, 2012

Eating oyster improve sexual drive.

Luweeh`s Healthy Cooking: Sweet and Sour Oyster broccoli eating oyster improve sexual drive. . Do you like oyster?raw or cooked,yes it is a unique sea food and  i heard this from a Japanese...

Homemade Penoy Egg

Balot Penoy..penoy balot bili na kayo.....yan ang karaniwang  maririnig nyo sa pilipinas...Pagkaing pinoy ....Ang idea kong ito ay para sa tamad maglaga at syempre walang penoy sa Japan ha..!!

Sino mahilig sa itlog na nilaga?  Ako isa sa matakaw sa itlog,kaso ingat lng po sa pagkain ng sobra,yung pula ng itlog ay mataas ang cholesterol....siguro more than 2 egss a day ay sapat na ,kung gusto ninyong  kainin pati yung yolk..
Sa mga bodybuilder halos yung puti lang ang kinukuha nila dahil mataas daw sa protina..raw egg  pa nga eh ..

So ang pagkain ng Penoy ay di kayo dapat sosobra , .ang penoy ay  masarap at malinamnam kesa sa  nilaga  yung pula ng penoy kase creamy ...ang totoong penoy ay may dalawang klase ...yung masabaw at yung matigas yung puti..kinakain ito na may budbod na konteng asen..

Kaya ko naman po nasabi na Homade penoy ito...kase halos haweg po ang lasa niya ..
Iyan po yung nadiskubre ko ng minsang tinamad ako maglaga ng itlog almost ten years ago na yon..nang ako ay magsasaing na sa rice cooker naisipan ko ilagay ang ilang hilaw na itlog doon kasama ng ng hilaw na bigas...

Nang sya po ay maluto ,yung unang nakain ko ay ay lasang nilagang itlog lang sya...yung natirang itlog sa rice cooker na di ko nakain at nahayaan ko ng ilang araw na nababad sa loob ng mainit na rice cooker kasama ng kanin..syempre po ang kanin kahit naluto na di pinapatay ang switch nito..kaya lageng mainit ang kanin,so siguro yung itlog na nababad doon nag iba ang lasa nya...nagutla ako ng ikatlong araw o ilang araw man ...ang lasa ng itlog na to sa rice cooker ay lasang penoy talaga....nakakatawa pero totoo,subukan nyo ..

..ang pag gawa ..click the video below




Saturday, April 14, 2012

Kwentong Japanese

sa may kameari station to..

mahilig sila magshopping 

Mga Hapon....Hmmmm...Akala ko noong una,nakakatakot sila..yung tipong sadista at sasaktan ka....
At alam naten na marami ditong Yakuza..echhooss... kahit saan naman lugar may gago at matino..may mababait at mga sadistang hapon den dito..pero,mas lamang ang duwag puna ko lang, yung iba.yabang na lang kase..not lahat ahh..marami den mabubuteng hapon..boring lang siguro ko sa kanila or sawa na ko dto .

Masasabi ko tahimik ang Japan..walang pakialaaman,kapitbahay mo kahit sampung taon mo na nakikita yuko lang ang batian..kaloka..hmmp minsan di na ko bumabati umiiwas na lang,kakasawa parang plastikan pero manner nila yon lalo na same building o compound kayo ng tinitirirhan..

Malinis naman ang paligid,masinop sa pagtapon ng basura...pero sempre may mga gago pa ren sa mundo na di mawawalan ng di sumusunod sa batas...may kalat den naman sa japan...my pulubi ren ,mga homeless..pero they don`t beg..ewan mga depress o frustrated sa buhay..parang i heard mga naglayas sa pamilya..at naghihiga sa kalye kahit malamig..mukhang taong grasa..marami den dito no..

Mga hapon sa aking observation...parang matapang sa salita pero duwag,may chismosa ren kaso di naman kagrabe sa aten...mataas pride ng hapon,lalo na yung mga ugali talaga...ay naku..ilan bes naku napaaway..basta..

Pero maganda lang sa Japan kahit gabihin o madaling araw ka ng umuwe di delikado..nakabisikleta at laseng pa okay lang...wala ngang pakialaman kase..may gulo man depende na yun sa situtation..halos mga siga o laseng na tao ang nagwawala...

Mga haponesa dito kung magdamit halos hubo na ..hahahh..i mean maiiksi mg palda kita na panloob...school uniform susme paiksian ng palda ..ano ba dito...mga kadalagahan dito malalande sa tingin ko,kapal magmake up..pumorma maluluho..pero totoong marami ang magaganda at makikinis naman talaga...at sa mga boys ganun den maraming gwapo at matatangkad...high tech na raw kase..pati food western na..

Isa lang pintas ko dito....parang di warm ang tao...isa sa pinaka maraming stress na tao ang  bansang japan.marami dito depress at suicide rate ay mataas...marami dito di nagsasalita ng problema kase...ewan ko ba sa kanila.....mga di showy...kulang sa lambeng ...ay.naku..whatever ako gusto ko ng umuwe sa bansa ko....hehhehh..iba ren yung pamilya mo at bansang kinagisnan mo ...dito maliit at konte lang ang pamilya..dedmahan pa...basta..


jane antok na ko ...

Monday, April 9, 2012

Takot Ka ba Sa Dentista? Ako Gusto ko ....

   Gusto ko ,kase di naman bubunutan eh..yoko den nun.ah..so para iwasan yung nakakatakot na bunutan ng ngipin..dapat lage tayo maalaga sa ngipin.. so make it a habit to have dental checkup..regularly

      Pero matawa na kayo ako gusto ko nakahiga dun .. Ewan nakakarelax eh  malinis ang clinic pa,may sounds feeling mo nasa spa....,nganga ka lang naman ,tapos mumog,my tubig na hose na ipapasok may ewan na kung anong tumutunog na parang nilinis lahat ng gilid sulok ng ngipin mo...i like that inaantok ako..patawa ba ko?..para kong nasa cloud ..ayiie..

   Lalo na kung kukulkulin nila yun mga matitigas na halos d na matanggal sa pagsisipilyo.tinatawag na PLACK..  gustong gusto ko yung kinukudkod nila ...di naman masakit natutuwa ko kase malinis silang maglinis ng ngipin dito..

kaso depende sa ngipin mo o kung maraming tao ,di lahat maasikaso..pababalikin ka ng 2 o 3 to 4 times..cleaning lang ng teeth yan..okay lang nageenjoy ako..after noon fresh na fresh ang mouth ko..i do it if posibble 3 or 5 months ..pag di maasikaso 6 months..pero sa palagay ko ma  maganda regualr every 2 or 3 months to protect tooth decay and bad breath na ren,..
so you can smile with confident..

    At isa pa para mapa chek lage kung okay yung gums naten ..at pag na xray makkita kung okay yung root ng tooth naten...mahirap na pag ang ngipin mo ang umatake sa yo...aray ko dito, aray ko dun....kakahiya den kung may sira ang ngipin nyo,nagbbigay lansa ito sa ating panlasa at di kaaya ayang amoy..at kahit minsan  ang pagsisipilyo ay hindi ren sapat .kaya pansen nyo minsan bakit may amoy pa  ang hininga...di po ba? as i mentioned ,mga naninigas na plack po yan na di kaya maalis ng sipilyo lamang..or gum desease or cavities....minsan ang bad breath nag mumula den sa loob ng katawan kung tayo ay may sakit..

   May iba naman nagsasabi kahit wala kang cavities...pag palakain ka ng mga spices like garlic chile or onion...amoy daw talga yun...lalo na yung mga palakain ng curry rice make sure ,my mga breath care kayo like parseley ,peppermint ...sa japan ang daming breath care.
 
  Tulad ng rose bulgarian oil ..made in capsule ay naku,..princess breath talaga ..medyo mahal lang,nasa 2000  yen so sa pesos more than 1 k na...pero matagalan na gamit na yan..lalo my kausap kayo o my date ng ehem...

  Basta masasabi ko lang para di tayo mailang sa breath naten ..panatiliin ang 3x a day na pagsisipilyo...mouth wash.,teeth flossing,tounge cleaning..at marami pang iba..and eat more veg an fruits..like citrus fruits..nakalinis yan ng saliva....alam nyo ba ang karne o animal meat ay isa sa nakakabaho ng hininga...more information next blog ko na lang..    


Jane""....so.LOVE YOURSEF....it is the best thing to make yourself more beautiful..

Saturday, April 7, 2012

Usapang Beer Sa Japan



Beer in japanese is BIRU.......ALAK is OSAKE

   Isang bote ng beer pagkatapos ng trabaho.  kinaugalian ng mga hapon ito,..malamig na malamig at isasalin sa baso ...habang may bula .lagukin na kaagad..katawa lang ano....so..pwede na , karamihan ng hapon mahilig uminom ng beer,lalo na silay pagod na pagod at gutom ..mas nauuna nilang isipin ay beer..bago kumain..

  .Kinaugalian nila na ang pag inom ng beer ay isang pampaalis pagod at nakakatulong sa stress ...may nagsasabi naman pampagana daw ito bago kumain....matanda babae o lalaki bibihira ang di marunong uminom..subalit kahit saan namang bansa may batas ang pag inom ng alak ,kailangan nasa 18 ka na..pero ang tao matigas ang ulo sempre kahit 13 o 15 years old mayroon ng umiinom ..patago cigurado...wag ka lang papahuli .at may taong sadya namang  lasenggo at may sadyang pang alis uhaw lang daw at pagod lang ................
   Ang iba naman kung makikipaginuman sa mga kaibigan o kaopisina..unang lagok nila ay isang malamig na beer muna bago ang mga hard drinks like whisky or brandy..at yung sake na kung tawagin sa ingles ay rice wine...

umiinom den ako ng beer basta with moderation,maganda ren naman ito sa health basta wag lang aabuso..dahil kung sobra ka sa paginom masisira ang diet mo at di maganda sa kalusugan...
   At ang beer sa japan ay may ibat ibang uri ng lasa timpla ..o ibig kong sabihin mga maker ,labanan den kase ang mga beer ,alin ang klik masarap yon ang mabenta..may mura may mahal sempre depende sa inyong panlasa...draft malts dry light mild strong at may percentage den ng alcohol..4 % 5% 5.5% until 7% ang nakikita ko... sabi ng iba mas masarap daw ang NAMA BEER....yung nasa barrel ba yun ..draft beer ba ang tawag doon........yun lang po....enjoy your beer..and drink with moderation..together with your pulutan..Always keep balance when it comes to food and what youre drinking..
JANE!!....see yah ..

Friday, April 6, 2012

Di Porke nasa Japan Mapera Ka na...

   Marami sa ating kababayan ang gustong gustong mkarating sa ibang bansa....sa dahilang maliit ang kinikita sa atin,kung babalikan ko ang panahong akoy nasa pilipinas pa,iniisip ko ren yan..subalit sa tagal ko na dito,nagsawa na ren ako,namimiss ko pa ang buhay sa aten,......ang buhay pangkaraniwan lang...ang palengke,mga maiingay na sasakyan.mga taong nagkalat ,mga kahol ng aso..at mga tindahan ..basta.

   Lahat na yata ng mganda dito sa Japan andito na..maging masipag ka lang madali ang pera,sa katulad kong tamad paano..patawa ano?..Akala nyo ba di lahat ng tao dito mayayaman..yun nga lang di katulad sa atin na pag hirap mahirap talaga dito ..pantay lang ang pamumuhay dito,.kung mayaman ang tao dito ay talagang mayaman...di uso dito ang katulong ,magkaroon man ng katulong mga bigaten na tao na yun pero bihira yun..
mga gamit naman kase dito puro di machine..kaya di na kailangan katulong at kung gusto mo magpalinis ng bahay...orasan ang bayad tatawag ka lang puountahan ka na nila..ang korny no..

  Ang buhay sa Japan aminin ko masaya kung mahilig ka pa sa gimik o party o kaya bumarlkada...sempre magastos den yun ,mahal ang mga bilihin dito hindi biro..pansen ko nga ngyon..bagsak ang Japan mrami nagsasara ng mga malls bar at iba ibang shop..matumal na ren siguro..madami na reng factory na nagsasara tapos di mabayaran yung mga tao...tumatakas den ang mga hapon..grabe no..

  At napakarami den pinay dito na naghihirap ayoko ng ikwento buhay nila,andyan baon sa utang ewan ,,may mga bisyo den kase ,luho at kung ano ano pa...yung iba naman di matapos na bayaren o padala sa pamilya sa pilipinas..kaya di makaipon.....may mga matatalino na tao ren paano sila umasenso..kanya kanya diskarte..

  basta ako nalulungkot na dito di ko na maramdaman ang saya.....marami kong hinahanap na di ko makita dito....kaya pag kayo nakahawak ng pera o nakapag abroad pahalgahan nyo ang pinaghirapan nyo..para sa huli di kayo mgsisisi..

  Marami kase yumaman dito pagkatapos nalimutan nila na ang pera ay nauubos ,so ayon marami dito na kababayan na naghihirap ..as in namumulube ren..kahit sino uutangan na lang..basta matuto kayo sa buhay nyo..