Luweeh`s Healthy Cooking Headline Animator

Sunday, October 23, 2011

Mahalaga ang Bisikleta sa Japan

  Sa atin pag bata ka at may bisikleta ka ,sempre masaya ka , minsan nakikihiram na lang, makahipo lang ng bisikleta..At pag ang gulong mo ay tatlo ibig sabihin bata ka pa..dito pag di ka marunong mag balanse ng dalawang gulong ,may karapatan ka pa reng magbisikleta, Tatlo nga lang ang gulong mo ,nakakatawa ano!
  Magkano ba ang isang bisikleta  may pangalan o wala.. dito siguro masasabi ko ang pinakamura ay nasa isang lapad o 10,000 yen..magkano saten iyan? mahigit limang libo hmm..Ang pinakamahal dito ay wag nyo nang itanong,at baka ang sasabihin nyo ay,bibili na lang ako ng motor bike..Gayunpaman.dito ay may mga second hand ren naman na nabibili,marami ren ditong recycled shop na nagkalat ..okey sa nagtitipid di ba!
   ,Sa atin kase ,di masyadong popular ang paggamit nito halos ngayon naka motor bike na ren ,Pero may mangilan ngilan lang akong nakikitaan,yung iba ginagawang ditadyak kung tawagin ,ibinibiyahe nila na katulad ng trycicle,swak na pang kabuhayan na ren pala..
   At kung bisikleta ang paguusapan,dito sa Japan siguro ang bisikleta ay para na reng trycicle wala nga lang bayad ,maganda ren ang silbi ng bisikleta lalo na nga at ang bahay mo ay malayo sa pamilihan ,di imbes na maglakad o magtaxi,o di kaya ay  gamitin ang kotse mag bisikleta ka na lang...makakamura ren di ba.at kung madalian lang naman ang patutunguhan mo,ayos na ayos ang bisikleta.
  Dito nga,Matanda man o bata ay gumagamit ng bisikleta,Sa bahay ko nga, lahat kami may kani kaniyang bisikleta . Sa maniwala ka o hinde kahit naka necktie o naka mini skirt nag bibisikleta dito.  may payong pa ngang hawak,lakas ng loob no..ako gingawa ko ren lalo na pag umuulan at napaka tindi ng init ng araw,.
  Pero ngayon medyo nag higpit ang batas ng Japan,Siguro para na ren makaiwas sa aksidente,May mga ina ren kaseng makikita ka na angkas ang anak nakasakay, harap at likod pa...Nakakatakot tingnan, may mga bagong bisikleta akong nabalitaan para sa mga may bitbit na anak .
     Marami na ren kaseng aksidente ,.kaya di maiiwasan ang maghigpit ang batas ng Japan at lalo na ren yung mga nakainom ay naku! pag nahuli ka ka patay kang bata ka,penalty siguro ewan di ko pa naranasan kaya hindi ko alam.....Magiingat na lang syempre.
    Sa aten naman kase kahit may bisikleta lagay mo lang sa tabi pag balik mo mawawala ng bigla..dito naman kase may mga parking area mayroong libre, mayroon den namang orasan ang bayad,para na ren sa mga nagtatrabaho at kung ang bahay nila ay malayo sa estasyon ng bus o tren..malaki naitutulong ng bisikleta sa mga hapon.
   Kaya lang pag hahamba hambalang ang bisikleta mo at wala sa tamang pag park...may mga taong kumukuha nito ,nililinis ba nila yung kalye sabagay tama naman yung batas nila..sa dami ng bisikleta dito nagkalat at istorbo sa daan ..Ako nga ilang beses na nakuhanan ng bisikleta ,ayun tutubusen mo sa pinagdalahan, sa halagang  3000 yen ..noon pa yon, ngayun di ko na alam...isa pang batas ng paggamit nito pag madilim na dapat may ilaw yung bisikleta mo kunde lagot ka..at may insurance na ren ang mga bisikleta dito..kaya maganda ren ang patakaran nila .batas eh,kaya nararapat lang sunden.
    Sa pilipinas malabong maging popular ang bisikleta , at isa pa  masikip den ang kalye sa aten..Sigurado lang na  malapit sa sakuna  ,kaya mabuti pa.maglakad na lang tayo o magtrycicle, safe pa....ha ha ha..
Iyon kayang di padyak? di kaya iyon dumami ??
 
ilan lang to sa nakunan ko ..di pa to ang grabe..

Fruits And Vegetables in Japan











Paano Ba Makatulog Ng Mahimbing?

    Totoo marami sa atin ang hirap matulog lalo na,kung marami kang iniisip o may problemang mabigat,o kaya sobrang kaabalahan sa ginagawa ,yung iba naman mahilig mag libang sa gabi o kaya naman pang gabi ba yung trabaho.May iba naman dahilan na may dalang karamdaman.
 
    Ang mahirap sa lahat ay yung depress ka,or stress ,na halos lahat tayo nararanasan ito.minsan di maiwasan mag rely sa gamot,na alam nateng di mabute ang mga ito sa ating katawan..
pero kahit ano pa yang poblema mo kailangan naten matulog ng maayos,kahit di na sa tamang oras ,
 
   Ayon sa mga experto ang tamang oras ng tulog ng tao ay dapat nasa 8 oras,parang tubig ren , 8 baso araw araw..ginagawa nyo ba? mahirap sunden ano?
 
   Kung ako tatanungin nyo paano ginagawa ko pag ako hirap matulog,siguro sa una mahirap sunden ito,
ayon na ren sa aking pagsusuri at nasubukan ko na ren naman...ang pagexxcersise ng regular kahit 15 minutes a day ay napakalaki ng naitutulong sa pagtulog ng maginhawa..at pag kain ng tamang dami at balanse ba,pag inom ren ng sapat na tubig na kailangan naten..Kung di nyo nalalaman ang pag inom ng mga softdrinks o mga my caffeine ay nakakasira ng ating pagtulog..at kahit ang alak na akala naten nakakatulong sa pagtulog ay lalo lang nagbibigay ng sakit sa ating kalusugan...alamin naten sa susunod kung bakit.
 
   Ang una kong ginagawa pag oras na ng tulugan sisiguraduhin ko na malinis na ang katawan o ibig sabihin nakaligo ka na at nakabihis pantulog ..mas komportamble kase ang katawan naten na matutulog ng maayos at relax na kasuotan kesa sa mahihigpit o mainit na kasuotan..maayos na higaan patay ang ilaw ,na medyo dim light lang pede na..yung iba gusto may music sila,pede siguro yung mga instrumental music o healing sounds,
at kung maari mahina lamang...siguraduhin nyo patay na computer nyo..
 
  Wag na wag kayong padadala sa ginagawa nyo , maliban na lang kung trabaho nyo iyan..ay ibang usapan na iyan..at kung tapos na kayo sa ginawa nyo,subukan nyong humiga ng patay lahat ng ilaw o kahit computer ..ipikit nyo ang inyong mga mata  ,huwag na kayong mag imagine pa o magiisip ng kung anong gagawen nyo bukas ,pilitin nyo na maging bakante ang utak nyo..titigan nyo ang dilim habang nakapikit ang mata nyo...at isa lang ang gagawen nyo ,magdasal kayo at sigurado ko ,tulog kayo..

   Maraming ren namang paraan kung paano tayo makakatulog agad..minsan may kanya kanya kaseng dahilan tayo kaya di naten magawa ng tama...pero nasa sa aten po lahat ng pasya kung gusto nateng makatulog ng maayos ...lahat ng bagay kase ay may kinalaman ren sa kalusugan .

  Subukan naten na matulog ng may regular na oras at gumawa ng goal para sa oras ng tulog at oras ng paggising..gawen nateng tama ang inugaling maling pagtulog o pagpupuyat
   at sikapin na maging matatag kung tayo ay may problema...lahat ay may kalutasan ,sabi nga "Ang may tyaga may nilaga.."

   You can drink warm milk or warm water before going to bed..iwasang matulog ng busog o kakain ng 3 meal 3 hours before bed..bangungutin kayo, sige kayo..Don't exercise before going to bed..

   Hot Sauna or Warm hot bath is good before going to bed..nakakarelax ito para mabilis makatulog..at ang paginom ng hot chamomile tea ay nakakatulong sa pagtulog..

babush..."happy sleeping.."

Homemade Itlog Na Maalat

Buhay Japan: How To Make Homemade Salty Egg or Itlog na Maalat....: Salty egg are popular in the Philippines,we love to eat salty eggs usually in the morning..with fresh tomatoes.. And the popular method...

Buhay Japan: Paano Kainin ang Avocado

Buhay Japan: Paano Kainin ang Avocado: kuha sa mall..isang piraso nasa 140 yen.i.convertsa peso ay 100 piso aww.. Noong bata ko ,ang lage gingawa ng magulang ko sa abokado ...

Avocado sa Japan


.Isang piraso ng abokado dito ay nasa 140 yen.,minsan may mura ren naman pag season. 
  Paano ba kayo kumain ng abokado??..Noong bata ako ,Ang lage gingawa ng magulang ko sa abokado ay nilalagyan ng gatas .malagnaw o malapot,de lata sya sempre ,di pa ko nakakita ng sariwang gatas noon,maliban sa gatas ng kalabaw  at ang di mawawala na ugali naten ay ang sobrang hilig sa paggamit ng  asukal,ibig sabihin isa syang matamis na kakanin....pero ako di mahilig sa matamis o pag gamit ng asukal.
  Nang makarating ako dito sa japan,napansin ko ang kakaibang pag kain nila ng abokado...noong una medyo natawa ko,kase imbes na asahan ko na ang abokado ay isang prutas na dapat kakainin ito ng matamis ,
Ang abokado dito ay ginagawa nilang parang kapareha ng isda ,kase makikita nyo to sa sushi nakapatong sa kanin o nakapaloob sa kani na may halong maanghang na wasabi ,isang maanghang na spices na palaman ng sushi ,
  At kung di naman sa sushi,makikita nyo ito na nakahalo sa salada ,naging paborito ko nga ang pagkain ng Avocado salad,puro gulay sya na minsan may kasamang kunde nilagang itlog,tuna o mga sea food ,minsan naman keso o kung tawagin sa ten kasilyo.yung cottage cheese tawag dito ,ewan walang tawag sa hapon..
   At kung di nyo nalalaman na ang avokado ay puno ng protina ,isa itong pagkain na di mawawala sa mga nagbubuhat ,mga nagpapalaki ba ng muscle..minsan ko na ren kase nagawa ang ang pagbubuhat ,yung muscle building ba,kaya nakahiligan ko na kumain ng abokado
   At isa pang dahilan kaya naging paborito ko ang abocado ay dahilan na di ako kumakain ng mga laman ng hayop ,na sabi nila ay importante ,dahil kailangan naten ng protein....Ang totoo po di lang naman sa meat ng hayop nakukuha ang protina..marami nyan sa mga gulay prutas at beans at iba pa maliban sa laman ng hayop.
...Napakalaki ng dahilan ko bakit di ako kumakain ng karne baboy hamon hotdog manok etc etc.pero itlog lang yata kaya kong kainin,minsan nalalansahan den ako,pero pinipili kong itlog ay yung native egg ba..yung organic egg ba..na walang hormon growth o antibiotic injected sa manok..mahabang salaysayin bakit importante ang organic.. ..
  Kung laman ng hayop.magsardinas na lang ako o kaya abocado ..sa agahan ko piniritong itlog sa olive oil no salt but cayenne pepper lang..at abokado na walang halo.
                                                         Pag gawa nito ay napakadali lang  ......
2 Native o organic egg ...batihin at pakialisin nyo yung mata ..sa nakakalam bago nyo i beat
at 1 medium size na avocado  ..samahan nyo ng saging at mix na smotties ,{next time sabihin ko paggawa .}
sa gustong lagyan ng dressing o toyo yung avocado nasa san yo ..  ako kase wala kahit ano,bawas asin sa katawan kung may nuts dressing ako lalagyan ko.malungkot ang lasa pero importante ay masustansya ..                                  
simpleng agahan masustanya pa